Gabriel, bagong pride ng Aurora

Nadiskubre ng dibisyon ng Aurora ang pinakabagong “athletic gem”, kapalit ni Bryan Pacheco, ang may hawak ng gintong medalya sa Javelin Throw, ng sungkitin ni Gabriel Aquino Dulay ang dalawang (2) ginto at isang (1) pilak na medalya sa ikatlong araw pa lamang  na CLRAA Meet 2017 sa Lalawigan ng Bulacan, Pebrero 8.

Sinungkit ni Dulay ang unang gintong medalya sa takbuhang 1500 m, may oras na 4.21 kontra sa iniwang San Jose Del Monte na may talang oras na 4:26.

Samantala, ang ikalawang gintong medalya ay kanyang nakuha sa takbuhang 800m na may talang oras na 2:04:00 kontra sa Bulacan na may oras na 2:04:48.

Pilak na medalya naman ang kanyang sinungkit sa 3000 m steeplechase na may talang oras na 10:47, kinulang ng tatlong (3) segundo sa nangunang San Jose Del Monte na may talang 10:44.

Ang bagong tagapagbigay ng gintong medalya ng Aurora ay isinilang sa mahirap na pamilya mula sa Campo Santo 2, Moncada, Tarlac Province at doon nag-aral mula Grade 1 hanggang Grade 4.

Matapos mailit ang kanilang lupa dahil sa pagkakasangla, nagdisiyon ang kanyang mga magulang na umuwi sa hometown ng kanyang tatay at nanirahan sa Brgy Lobbot, Dipaculao, Aurora.

Siya ay panganay sa tatlong magkakapatid na mga lalaki nina  Michael Ero Dulay, isang Karpintero at Jonna Aquino Dulay, purong maybahay.

Matapos madiskubre ang galing sa takbuhan ay araw-araw na ang naging pag-eensayo mula Brgy Lobbot hanggang Amper na may layong pitong kilometro. Sapagkat tumimo sa kanyang isipan ang kasabihang “If you want it, work for it”.

“Sa larong takbuhan, kung halimaw ang kalaban mo dapat mas halimaw ka”, ito ang madalas ipaalala sa kanya ng kanyang trainer na si David Bannawi. JCR